NGCP itinaás ang yellow alert sa Visayas power grid
METRO MANILA, Philippines — Tatlóng oras na nilagáy sa yellow alert ang Visayas power grid nitóng Miyerkulés dahil sa waláng maipadalang kuryente doon ang Luzon grid.
Ayon sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) inaasahan din na magiging mataás ang pangangailangan ng kuryente sa Visayas.
Ang available capacity ng Visayas grid ay 2,890 megawatts at ang peak demand ay 2,538 megawatts.
Nagíng epeketibo ang yellow alert mulâ 2 p.m. hanggáng 4 p.m. at naulit itó mulâ 6 p.m. hanggáng 7 p.m.
Labing walong planta ng kuryente ang bagsák at may 10 pang iba ang nagbabâ ng kapasidád kayat sa kabuuán, nawala ang 567.4 megawatts sa Visayas grid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.