Rice buffer stock ng NFA halos na-triple: 126,000 MT nakaimbák
METRO MANILA, Philippines — May 2.8 milyong sako ng bigas ang nakaimbák na ngayón sa mga bodega ng National Food Authority (NFA), sabi ng officer-in-charge ng ahensiya na si Larry Lacson nitóng Lunes.
Ang buffer stock na itó — na nasa 126,000 MT (metric tons) — ay mahigít triple sa minimum dapat ng NFA na 45,000 MT.
Ayon kay Lacson, nagawâ ito ng NFA dahil itinaás nitó ang presyo ng bilihan ng mga palay sa P17 hanggang P23 per kg para sa wet palay at P23 to P30 per kg para sa clean and dry palay.
BASAHIN: Bigas, iba pang pagkain bumaba ang presyo – PSA
BASAHIN: Sapat ang bigas sa Pilipinas sa kabila ng El Niño – Marcos
Pagtuloy pa rin daw ang pagbilí ng NFA ng palay para maabót ang target nitóng makapagimbák ng buffer stock na 300,000 MT.
Tiniyák ni Lacson na waláng dapat ikabahalá ang mga mamimili dahil sapát ang dami ng bigás sa bansâ para sa nagbabadyáng La Niña.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.