DOH quarantine bureau susuriin mga biyaherong baká may COVID

May 27, 2024 - 07:08 PM

PHOTO: DOH logo superimposed over illustration of virus STORY: DOH quarantine bureau susuriin mga biyaherOng baka may COVID
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA — Inatasan ng Department of Health (DOH) ang Bureau of Quarantine (BOQ) na suriing mabuti ang mga pumapasok sa Pilipinas na nagmulâ sa mga bansâ na may mga kaso ng bagong COVID-19 variants.

Sa isáng memorandum, nilagay ng BOQ ang lahát ng istasyon nito sa “heighetend alert,” lalo na doón sa mga biyaherong baká nahawahan ng KP.2 at KP.3 variants ng COVID-19.

Ayos sa tagapagsalitâ ng DOH na si Albert Domingo, iniutos na raw ni Health Secretary Teodoro Herbosa sa BOQ na suriin ng masinsinan ang mga biyaherong may sintomas ng COVID-19.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang bagong variants ng nakakamatáy na sakít ay nagmulâ sa JN.1 at JN.1.18 variants ng virus.

Sa Singapore, tumaás ang naitaláng mga bagong kaso ng COVID-19 sa 25,900 mulâ ika-5 hanggáng ika-11 ng Mayo mulâ sa 13,700 na mga kaso noóng nakaraáng linggó at karamihan sa mga bagong tinamaan nung sakít ay taglay ang isá sa dalawáng bagong variants.

Noon lamang nakaraáng linggó, pinahayág ng DOH na nasa “low risk” pa rin ang Pilipinas — na may average na 125 kaso kada araw mulâ ika-7 hanggáng ika-13 ng Mayo.

TAGS: bureau of quarantine, covid-19 variants, bureau of quarantine, covid-19 variants

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.