Abu Sayyaf, sumalakay sa Tipo-Tipo, Basilan

By Jay Dones July 07, 2016 - 04:35 AM

 

Inquirer file photo

Sinalakay ng mga hinihinalang mga miyembro ng grupong Abu Sayyaf ang bayan ng Tipo-Tipo, Basilan, Miyerkules ng gabi.

Ayon kay dating Tipo-Tipo Basilan Central mayor Tong Istarul, puwersahang pinasok ng mga bandidong grupo ang naturang bayan dakong alas 7:30 ng gabi, Miyerkules.

Walang habas umanong nagpaputok ng mga baril ang mga ito na labis na ikinaalarma ng mga residente.

Nagkaroon din ng palitan ng putok sa pagitan ng mga bandido at puwersa ng military na nakadestino sa lugar bagamat wala pang impormasyon kung mayroong casualties sa magkabilang panig.

Sinabi naman ni dating Ungkaya Pukan mayor Joel Maturan, partikular na naapektuhan ng pananalakay ang barangay Sungkayot kung saan nakabase ang 18th Infantry Battalion ng Army.

Dahil sa pananalakay, libu-libong residente umano ang naalarma sa naturang lugar.

Ayon naman kay Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command, ang mga Abu Sayyaf leader na sina Furuji Indama at Isinilon Hapilon umano ang pasimuno ng pananalakay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.