METRO MANILA, Philippines — Nakatutok ang Philippine Navy sa Taiwan dahil sa isinasagawáng military exercises ng China.
Katuwiran ni Vice Adm. Toribio Adaci Jr., ang Navy chief, anuman ang mga kaganapan sa paligid ng Pilipinas ay kailangan obserbahan dahil sa mga maaríng magíng epekto nito sa bansâ.
Base sa mga naglabasang ulat, nagpatuloy ang joint military drills ng Chinese People’s Liberation Army sa paligid ng Taiwan.
Ayon sa tagapagsalita ng PLA Eastern Theater Command ang pagsasanay ay may kinalaman sa paglulunsád ng mga pag-atake at pagkubkob sa mga krusyál na lugár.
Ang Mavulis Island ang pinakamalapit na bahagì ng Batanes sa Taiwan sa distansiyang 140 km lamang sa pinakadulo ng timog bahagì ng Taiwan.
MOST READ
LATEST STORIES