Malakas na buhos ng ulan, mararanasan sa Metro Manila at Kanlurang bahagi ng Luzon sa Sabado

6PM PAGASA
Photo from PAGASA

Magiging maulan sa Metro Manila at kanlurang bahagi ng Luzon sa darating na Sabado dahil sa habagat na palalakasin ng bagyong Butchoy.

Sa 5pm update ng PAGASA, sinabi ni weather division chief Esperanza Cayanan na ito dapat ang paghandaan ng publiko.

Bagaman hindi direktang tatama ang bagyong Butchoy sa bansa at lalabas na sa Philippine Area of Responsibility sa Biyernes, hahatakin naman nito ang umiiral na habagat sa Luzon at Visayas.

Inaasahang makararanas ng panaka-nakang malakas na buhos ng ulan ang western section ng bansa partikular na ang Mindoro sa darating na Biyernes.

Dagdag pa ni Cayanan, ang western section naman ng Luzon at ng National Capital Region ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Sabado.

Nagbabala rin ang PAGASA ng posibleng flashfloods at landslides sa probinsya ng Mindoro, Bataan, Zambales, Pangasinan at Benguet.

Itinaas naman ang gale warning sa Northern at Eastern seaboards ng Luzon at inabisuhan ang mga mangingisda na iwasan muna ang pumalaot.

Read more...