Escudero , Romualdez pag-uusapan ugnayan ng Senate, House

By Jan Escosio May 23, 2024 - 08:25 PM

PHOTO: Francis Escudero STORY: Escudero , Romualdez pag-uusapan ugnayan ng Senate, House
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Makikipagkita si Senate President Francis “Chiz” Escudero kay House Speaker Martin Romualdez sa darating na Linggo para pag-usapan ang relasyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Escudero susubukan niyang maplantsa ang mga nagíng gusót sa relasyón ng dalawang kapulungan dahil sa pagsusulong ng pag-amyenda ng Saligang Batás.

Sinabi niyá na hindi na dapat maulit pa ang pagbabatuhan ng mga maaangháng na salitâ ng mga senador at kinatawán.

Nagpasaringan ang mga mambabatas ng dalawang kapulungan dahil sa pagsusulong ng people’s initiative, na magiging daan  daw para malusaw ang Senado.

PHOTO: Martin Romualdez
House Speaker Martin Romualdez —File photo mula sa House of Representatives

BASAHIN: Resolusyon ng suporta kay Romualdez, insulto sa Senado

BASAHIN: ‘No-el’ posible dahil sa bangayan ng Senado, Kamara

Dagdag pa ni Escudero maaaring mapag-usapan nila ang legislative agenda at mga priority measures ng administrasyong Marcos.

Titiyakín niya raw na magiging prayoridád ang mga panukalang batás na makakabuti sa bansâ.

Nagpahatíd na ng kanyang pagbatì si Romualdez kay Escudero matapos maluklók itó na bagong Senate President noón lamang Lunes.

TAGS: Francis Escudero, House of Representatives, Martin Romualdez, Senate, Francis Escudero, House of Representatives, Martin Romualdez, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.