Mga kurap na BIR at BOC officials papangalan rin ni Duterte

duterte
Inquirer file photo

Binabantayan na ng administrasyon ang ilang ahensiya ng gobyerno na pinaniwalaang talamak ang katiwalian tulad ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sinabi ni President Rodrigo Duterte na batid nito kung gaano ang lawak ng kurapsiyon sa dalawang ahensiya kayat dapat na matigil aniya ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Iniimbestigahan na umano ang ilang mga tauhan ng BIR at BOC na may kuwestiyonableng pamumuhay at sa tamang panahon ay ilalantad din niya ang pangalan ng mga ito.

Sinabi pa ng pangulo na hindi siya nag-aalala kung bumaba man ang koleksyon ng buwis basta’t matuldukan lamang ang korupsyon sa nasabingmga ahensiya ng pamahalaan.

Nauna nang sinabi ni Duterte na madali lamang makikita kung sino ang mga tiwali sa loob ng BOC at BIR sa pamamagitan lamang ng kanilang mga garahe at uri ng pamumuhay.

Read more...