Mga lansangan na dapat gamitan ng emergency powers inilabas ng MMDA

By Den Macaranas July 06, 2016 - 04:06 PM

traffic2
Inquirer file photo

Tinukoy na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga pangunahing lansangan na dapat ayusin sa ilalim ng panukalang emergence power laban sa problema sa trapiko.

Ipinaliwanag ni MMDA Chairman Emerson Carlos na dapat ipagbawal sa mga lansangan na ito ang anumang uri ng traffic obstructions tulad ng pagpapatupad ng no parking zone.

Kabilang dito ang pitong mga choke points sa kahabaan ng EDSA.

Kasama sa listahan ng MMDA ang Balintawak Market Road, Aurora Boulevard, Ortigas Avenue, Shaw Boulevard, Guadalupa, Ayala Avenue at Taft Avenue.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Carlos na ang nasabing mga major intersections ang siyang nagiging major problem lalo na tuwing rush hours dahil sa mga nakahambalang na mga sasakyan.

Kabilang din sa mga lugar na may malalang problema sa mabigat na daloy ng trapiko ang Circumferential Road (C3), A. Mabini Street, Dagat-Dagatan Avenue, North Bay Boulevard, Mc. Arthur Highway at Road 10 sa Northern part ng Metro Manila.

Problema rin ang paligid ng Ninoy Aquino International Airport tulad ng Sucat Road, Domestic Road, NAIA Road at Tramo.

Mabigat din ang daloy ng trapiko sa Marcos Highway, Pasig Intersection at N. Domingo sa Eastern side ng Metro Manila.

Sa Maynila, sinabi ng MMDA na dapat bigyan ng pasin ang kahabaan ng Avenida Rizal, España, Quezon Boulevard, Quezon Boulevard, Magsaysay Boulevard, A. Bonifacio, Recto, Abad Santos at Roxas Boulevard.

Sa Quezon City, problema rin ng MMDA ang Katipunan Road, C5, Commonwealth Avenue at Quezon Circle.

Sinabi pa ni Carlos na kailangan na ang dagdag na kapangyarihan para mas maipatupad ng husto ang pagdisiplina sa pag-gamit ng mga lansangan dito sa Metro Manila.

TAGS: Carlos, Metro Manila, mmda, Carlos, Metro Manila, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.