Dela Rosa: Morale ng PNP di natinag sa isyu ng droga

By Ruel Perez July 06, 2016 - 03:38 PM

bato drugs
Photo: Ruel Perez

Nananatili umanong mataas ang morale ng Philippine National Police (PNP) matapos ang pagbubulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katauhan ng tatlong police officials na umanoy sangkot sa illegal drugs.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, mas tumaas pa nga kung tutuusin ang kanilang morale lalo at suportado naman siya ng kanyang buong command group.

Maliban dito, positibo umanong tinatanggap ng liderato at ng PNP sa kabuuan ang paghahayag ni Pangulong Duterte.

Kanina, nasa likuran ni PNP Chief Dela Rosa ang kanyang buong command group nang magbigay ng pahayag hinggil sa pakikipag-usap sa tatlong PNP Generals na pagpapakita umano na buo at nagkakaisa ang PNP sa kabila ng pinagdadaanan ngayon ng ilan sa kanilang mga opisyal.

Kaninang umaga nakausap na ni dela Rosa ang mga isinasangkot na mga opisyal na sina dating NCRPO Chief Police Director Joel Pagdilao, dating Quezon City Police Director C/Supt. Edgardo Tinio at dating Western Visayas Regional Director C/Supt. Bernardo Diaz.

TAGS: dela rosa, generals, Illegal Drugs, PNP, dela rosa, generals, Illegal Drugs, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.