Iran, bukas na sa negosyo at diplomatic ties

July 16, 2015 - 07:14 AM

edited iran
Inquirer file photo

Kasunod ng nuclear accord sa pagitan ng United Nations, European Union, at Iran ay ang pagbubukas ng pintuan ng naturang bansa para sa tinatawag na diplomatic relations.

Sinabi ni Iranian President Hassan Rouhani na nakahanda na ang kanilang bansa para sa lahat ng uri ng negosyo at diplomatic ties.

Mabilis ang naging tugon ng United Kingdom kung saan sinabi ni British Foreign Minister Philip Hammond na muli nilang bubuksan ang kanilang embahada sa Tehran bago matapos ang taon.

Noong 2011 ay napilitan ang United Kingdom at iba pang mga foreign embassies na mag-pullout ng mga tauhan sa naturang bansa dahil sa serye ng mga kilos protesta at pambobomba.

Bilang ganti ay nagpatupad naman ng trade embargo ang European Union dahil sa report na pag-develop noon ng Iran ng kanilang sariling Nuclear Weapon.

Pero ang lahat ng mga pangamba ng United Nations at European Union ay nawala makaraang makipag-kasundo ang Iran noong isang araw para sa Nuclear accord.

Pumayag ang Iran na ipakita sa mga Atomic experts na wala silang itinatagong nuclear weapon na sinundan naman ng positibong tugon mula sa mga makapangyarihang bansa tulad ng U.S.

Kaagad na inalis ang economic sanctions sa Iran kasabay ng lifting sa kanilang frozen assets na nasa ibat-ibang bansa na aabot sa $140Billion ang halaga.

Sinabi ni U.S President Barrack Obama na ang ginawa ng Iran ay panimulang hakbang para muling mabuhay ang sadsad na economic situation ng naturang bansa./ Den Macaranas

 

TAGS: diplomatic relations, European Union, Iran, Radyo Inquirer, United Nations, diplomatic relations, European Union, Iran, Radyo Inquirer, United Nations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.