METRO MANILA, Philippines — Walang mga Filipino na nasaktan sa pagsabog ng Mount Ibu sa North Maluku Province sa Indonesia, ayon sa pahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Martes.
Wala ring naiulat na nasaktang iba pang mga bayaga sa pagsabog noong bulkan noon Sabado, ika-18 ng Mayo.
Nasa 550 ang bilang ng Filipino sa naturang lugar, ayon sa DMW.
Nagbuga ng abo ang bulkan hanggang sa taas na 4 km base sa ulat ng Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation ng Indonesia.
Dalawang araw bago ang pagsabog, inilagay ng Volcanological Survey of Indonesia sa pinakamataas na alert level ang Mt. Ibu bunga ng sunod-sunod na pagsabog na ngayon buwan.
Inilikas ang mga residente ng pitong malapit sa bulkan na pamayanan kasabay nang pagrekomenda na umalis ang mga nasa loob ng pitong kilometro mula sa bulkan.