Escudero pumalit kay Zubiri bilang Senate president 

By Jan Escosio May 20, 2024 - 04:54 PM

PHOTO: Francis Escudero STORY: Escudero pinalitan si Zubiri bilang Senate president 
Si Sen. Francis Escudero ang bagong napiling Senate president nitong Lunes, ika-20 ng Mayo 2024. —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Makalipas ang halos dalawang taon, nagpalit ng liderato ang Senado nitong Lunes, ika-20 ng Mayo, matapos bumaba sa puwesto si Senate President Juan Miguel Zubiri at pinalitan siya ni Sen. Francis Escudero.

Bago nito, nakipagpulong pa si Zubiri sa kanyang opisina kina Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Majority Leader JV Ejercito, at Sens. Alan Peter Cayetano at Escudero.

Samantala, matapos ang pulong, dumating din si Sen. Nancy Binay, na kabilang sa tinaguriang “Seatmates sa Senado,” na kinabibilangan nina Zubiri, Ejercito, Angara, Villanueva, at Gatchalian.

PHOTO: Juan Miguel Zubiri STORY: Escudero pinalitan si Zubiri bilang Senate president 
Sen. Juan Miguel Zubiri —INQUIRER.net file photo

Sa kanyang huling talumpati bilang namumuno sa Senado, sinabi ni Zubiri na ang pamumuno sa Senado ang itinuturing niyang pinakamalaking karangalan bilang lingkod-bayan at ito rin ang pinakamalaking hamon.

BASAHIN: Ugong ng kudeta laban kay Zubiri intriga lang sa Senado

Kumpiyansa din aniya siya na sa kanyang pamumuno ay napanatili niya ang pagiging “independent” ng Senado.

Dagdag pa niya, patuloy niyang isusulong ang karapatan at sobereniya ng PIlipinas, ang kapakanan ng mga manggagawa, gayundin ang mga panukalang makakapagpabago sa buhay ng lahat ng Filipino.

TAGS: Francis Escudero, Juan Miguel Zubiri, Senate president, Francis Escudero, Juan Miguel Zubiri, Senate president

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.