Duterte titira sa Bahay Pangarap

By Den Macaranas July 06, 2016 - 03:21 PM

Bahay Pangarap Pic 1
Malacañang photo

Ang Bahay Pangarap sa loob ng Malacañang Park ang magiging official residence ni Pangulong Rodrigo Duterte kapag siya’y nasa Metro Manila.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Management Staff Chief Bong Go.

Nauna nang sinabi ni Duterte na ayaw niyang tumira sa loob ng Malacañang Palace dahil hindi siya kumportable sa lugar.

Sa pahayag ni Go, sa susunod na linggo ay sa Bahay Pangarap na uuwi si Duterte.

Sa kasalukuyan ay sa isang hotel sa Pasig City pansamantalang nanunuluyan ang pangulo mula sa kanyang inagurasyon noong June 30.

Ang Bahay Pangarap ay itinayo noong panahon ni dating Pangulong Manuel Quezon na nagsilbi bilang guest at retreat house ng ilan sa mga nagdaang lider ng bansa.

Sina dating Pangulong Cory Aquino at Fidel Ramos ay tumira sa Arlegui Guest House samantalang sa Premier Guest House naman sina dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang Bahay Pangarap din ang naging official residence ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa loob ng anim na taon.

 

Bahay Pangarap2
Malacañang photo

TAGS: bahay pangarap, duterte, go, Malakanyang, bahay pangarap, duterte, go, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.