Kahit umuulan, 38 na lugar matataas pa rin ang heat indices

By Jan Escosio May 20, 2024 - 12:56 PM

PHOTO: Composite image to illustrate high temperature STORY: Kahit umuulan, 38 na lugar matataas pa rin ang heat indices
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga nararanasan nang pag-ulan sa ilang parte ng bansa, 38 lugar pa rin ang inaasahan na makakaranas ng danger-level heat indices ngayon Lunes, ika-20 ng Mayo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Nasa 46°C ang maaring pinakamataas na heat index na maitatala ngayon sa mga sumusunod na lugar:

  • Sangley Point, Cavite
  • Virac, Catanduanes
  • Roxas City, Capiz
  • Catarman, Northern Samar

Maglalaro naman mula 45°C hanggang 44°C ang heat indices sa:

  • Iba, Zambales
  • Legazpi City, Albay
  • Guiuan, Eastern Samar
  • Casiguran, Aurora
  • Cubi Point, Subic Bay Olongapo City
  • Ambulong, Tanauan Batangas
  • San Jose, Occidental Mindoro
  • Masbate City, Masbate
  • Iloilo City, Iloilo
  • Dumangas, Iloilo
  • Zamboanga City, Zamboanga Del Sur

At mula 42°C hanggang 43°C heat indices ang psoibleng maitala sa:

  •  Science Garden Quezon City, Metro Manila
  • Dagupan City, Pangasinan
  • Tuguegarao City, Cagayan
  • Isabela State University sa Echague, Isabela
  • Coron, Palawan
  • Puerto Princesa City, Palawan
  • Cuyo, Palawan
  • Mambusao, Capiz
  • Catbalogan, Samar
  • Dipolog, Zamboanga Del Norte
  • Laoag City, Ilocos Norte
  • Bacnotan, La Union
  • Aparri, Cagayan
  • Central Luzon State University sa Muñoz, Nueva Ecija
  • Baler, Aurora (Radar)
  • Calapan, Oriental Mindoro
  • Aborlan, Palawan
  • Central Bicol State University of Agriculture sa Pili, Camarines Sur
  • Panglao International Airport, Bohol
  • Tacloban City, Leyte
  • Borongan, Eastern Samar
  • Davao City, Davao Del Sur
  • Butuan City, Agusan Del Norte

BASAHIN: PAGASA sa publiko: Mahalaga na alam ang heat index sa lugar

Ayon sa Pagasa, ang heat indices na mula 41°C hanggang 51°C ay “danger level” — nangangahulugan  na maaring makapagdulot ito ng heat cramps at heat exhaustion o kahit heat stroke kung matagal na mabibilad sa araw.

Samantala, posible na makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes dahil sa shear line na nakaka-apekto sa Hilagang Luzon.

Maaring magdulot ito ng mga flashflood at landslide kung magiging malakas ang buhos ng ulan.

At ang ibang bahagi naman ng bansa ay makakaranas ng magandang panahon ngayon.

TAGS: heat index, Pagasa, Philippine weather, heat index, Pagasa, Philippine weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.