Mga tauhan ng QCPD Anti-illegal drugs isinailalim sa drug test

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Isinasailalim sa surprise drug test ang nasa mahigit 200 tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay Sr. Supt. Joselito Esquivel, Deputy District Director for Administration ng QCPD, mga police na nakatalaga sa Anti-Drug Operation ng QCPD ang subject ng sorpresang drug test.

Sinabi ni Esquivel na ipinatawag ang mga tauhan mula sa labindalawang station ng anti-illegal drugs special operation task force at district anti-illegal drugs sa Kampo Karingal.

Pagdating sa punong himpilan ng QCPD ay sinabihan ang mga ito na huwag aalis sapagkat sasailalim sila sa drug test.

Ang surprise drug test ay kaugnay sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na masugpo ang iligal na droga.

Kahapon, nauna ng ibinunyag Duterte na protektor ng iligal na droga ang dalawang dating district director ng QCPD na sina Police Director Joel Pagdilao at Chief Supt. Edgardo Tinio.

 


 

Read more...