1.9 kg ng kush na halagang P3.1M nasamsam sa Clark

By Jan Escosio May 16, 2024 - 01:31 PM

PHOTO: Kush shipment STORY: 1.9 kg ng kush na halagang P3.1M nasamsam sa Clark
Ang kargamento ng kush ay idineklarang “hooded sweatshirts.”k (Larawan mula sa Bureau of Customs)

METRO MANILA, Philippines — Nasabat ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Clark, Pampamga ang 1.9 kg ng kush, high grade marijuana, na may halagang P3.1 million.

Ayon sa ulat ng Bureau of Customs nitong Miyerkules, ang ilegal na drog ay nasa isang kargamentong dumating noong Lunes, ika-13 ng Mayo. Ito ay  idineklarang hooded sweatshirts o hoodies.

Base sa natanggap na “deragatory information” isinailalim sa x-ray scanning at dog sniffing ang parcel.

BASAHIN: P4.51B halaga ng ibat-ibang droga winasak ng PDEA

Sa physical examination, nadiskubre ang apat na pouches na naglalaman ng mga pinatuyong dahon na hinihinalang kush.

Lumabas sa chemical analysis ng PDEA na positibong high grade marijuana ang mga dahon.

Nagsagawa ng controlled delivery operation ang mga ahente sa Antipolo City, Rizal at naaresto ang isang lalaki na may edad 23 taon na tumanggap ng parcel.

TAGS: Bureau of Customs, Kush, Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs, Kush, Philippine Drug Enforcement Agency

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.