METRO MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Meralco ang pagtaas ng halaga ng kuryente ngayon buwan ng Mayo.
Sa abiso nito, P0.4621 per kilowatt hour ang madadagdag sa bayarin sa kuryente ng mga customer.
Sa mga konsyumer na umaabot sa 200 kw-h ang konsumo kada buwan, P92 ang madadagdag sa kanilang bayarin samantalang P138 dagdag naman sa nakakakonsumo ng 300 kw-h.
BASAHIN: WESM sususpindihin muna tuwing may power red alert – Marcos
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Ang pagtaas sa presyo ay dahil sa pagtaas ng generation charge, na 50% ng kabuuang halaga ng kuryente.
Nabatid na tumaas ng P0.4455 kada kw-h ang generation charge dahil sa pagtaas ng halaga ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at bunga rin ng power supply agreements (PSAs).