34,400 metric tons ng basura nahakot ng DILG ‘Kalinisan’

By Jan Escosio May 13, 2024 - 06:30 PM

PHOTO: Quezon City volunteers sign up for DILG Kalinisan STORY: 34,400 metric tons ng basura nahakot ng DILG ‘Kalinisan’
Eto ang ilan sa mga volunteers sa Baramgau Holy Spirit sa Quezon City na nagpalista nitong nakaraang Sabado, ika-11 ng Mayo 2024, sa proyektong Kalinisan ng DILG. (Photo from the Facebook page of the DILG)

METRO MANILA, Philippines — Umabot na sa higit 34.4 milyong kilograms — o 34,400 metric tons — ng basura ang nahakot sa pagsasagawa ng “Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan” o “Kalinisan” ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Secretary Benhur Abalos, ito ang resulta lingguhang paglilinus mula Enero hanggang Abril sa 20,974 na mga barangay sa buong bansa kung saan 580,224 ng mga volunteer ang sumama.

Sinabi ni Abalos na ang mga naitalang bilang ay patunay na may bayanihan sa paglilinis sa kapaligiran at kalikasan.

Noong nakaraang Sabado naman, nagbalik sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City ang kampaniya para naman sa pagsasagawa naman ng urban gardening.

Sa nakalipas na anim na buwan, sabi ni Abalos, 92 kalsada sa naturang barangay ang nalinis na at 6,200 ilegal istraktura ang naalis.

TAGS: Department of the Interior and Local Government, kalinisan, Department of the Interior and Local Government, kalinisan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.