Gatchalian sa tech-voc grads: Magpa-libreng assessment kayo

By Jan Escosio May 10, 2024 - 12:44 PM

PHOTO: Shewin Gatchalian STORY: Gatchalian sa tech-voc grads: Magpa-libreng assessment kayo
Sen. Sherwin Gatchalian (File photo from the Senate Public Relations and Information Bureau)

METRO MANILA, Philippines — Hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mga senior high school students na magsisipagtapos sa technical-vocational-livelihood (TVL) track na sumailalim sa libreng assessment para sa national certification.

Sinabi ni Gatchalian na napakahalaga ng national certification dahil maaring itong maging susi para sa mabilis na paghanap ng trabaho.

Kasabay na rin nito, nanawagan din Gatchalian ukol sa paglalabas ng mga guideline para sa libreng assessment at certification ng mga mag-aaral sa senior high school.

BASAHIN: 2024 free assessment, certificate sa tech-voc SHS students tiniyak ni Gatchalian

BASAHIN: Tech-voc skills daan sa pag-asenso ng lahat ng Filipino – Go

Sa ilalim ng 2024 national budget, mandato sa Department of Education (DepEd) at sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na ipatupad ang programa na pakikinabangan ng 420,900 na mag-aaral sa ilalim ng TVL track.

Si Gatchalian ang nagpanukala na maglaan ng pondo sa naturang programa noong tinatalakay ang 2024 national budget.

“Magandang balita para sa ating mga graduating senior high school students na kumukuha ng tech-voc — libre na ang assessment para magkaroon ng national certification. Kung makapasa sa assessment ang senior high school graduates na kumuha ng TVL, hindi lang diploma ang makukuha nila sa kanilang pagtatapos. Magkakaroon din sila ng national certification upang tumaas ang tsansang makakuha sila ng trabaho,” sabi ni Gatchalian, ang namumuno sa Senate Committee on Basic Education.

Napaglaanan sa 2024 national budget ng mahigit na P438 milyon ang TESDA Regulatory Program upang magsagawa ng assessment sa mga mag-aaral ng senior high school sa ilalim ng TVL track.

TAGS: Sherwin Gatchalian, technical-vocation-livelihood track, Sherwin Gatchalian, technical-vocation-livelihood track

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.