METRO MANILA, Philippines — Buo ang paniwala ni House Speaker Martin Romualdez na ang ang pinakamalakas na alyansa ngayon sa bansa ay binubuo ng dalawang grup0 — ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at ang Lakas Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).
Sinabi ito ni Romualdez matapos ang pormal na pagsasanib puwersa ng dalawang partido, na tinawag na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas (ABP).
Ang PFP ang partido ni Pangulong Marcos Jr. at si Romualdez naman ang pangulo ng Lakas-CMD.
Diin ni Romualdez ang sanhi ng lakas ng ABP ay hindi lamang galing sa bilang ng kanilang mga kasapi kundi pati na rin sa nagkaisang hangarin nila na magpatupad ng tunay na pagbabago sa Pilipinas.
Samantala, sa kabila ng kanyang kondisyon, pinilit ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., na makadalo sa pirmahan para sa pormal na kasunduan sa Makati City.
Ayon kay Revilla, ang chairperson ng Lakas-CMD, bagamat pinayuhan siya ng doktor na mag-trabaho na lamang sa bahay, pinilit niya na makadalo dahil ayaw niyang palagpasin ang makasaysayang pagbuo ng alyansa.
Naniniwala si Revilla na mas lumawak at napagtibay ang pagsuporta kay Marcos dahil sa nabuong alyansa.