METRO MANILA, Philippines — Posibleng ipagpatupad ng “rotating brownouts” sa Vigayas dahil sa overloading ng 69-kilovolt (kV) Amlan-Siaton transmission line, ayon sa pahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Miyerkules.
Dahil dito, humingi ang tulong NGCP sa mga kinauukulang ahensiya at mga lokal na pamahalaan ng Negros Oriental para sa agarang pagtatapos ng 138kV Amlan-Dumaguete line para mabawasan ang “power load” ng Amlan-Siaton line.
Nangangamba ang NGCP na, kapag hindi agad natapos ang naturang linya, malaki ang posibilidad ng “localized manual load dropping” o “rotating power interruptions.”
Ayon sa NGCP, ang kapasidad ang naturang linya ay dapat nasa 58 megawatts lang.
Isa sa isyu para makumpleto ang karagdagang linya ay ang pag-iisyu ng permits ng pamahalaang panglalawigan.
Tiniyak naman ng NGCP na kapag napagana na ang linya ay maiiwasan na ang paulit-ulit na pagkawala ng kuryente sa rehiyon.