Libu-libong Muslim, dumagsa sa Luneta sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Richard Garcia

Nagtipun-tipon sa Luneta sa Maynila ang libu-libong mga Muslim para ipagdiwang ngayong araw ang pagtatapos ng Ramadan.

Bago pa magliwanag, nagsama-sama na sa Luneta ang pami-pamilyang Muslim para sa selebrasyon.

Ang pagtatapos ng Ramadan ay pagtatapos din ng month of fasting ng mga Muslim at ipinagdiriwang ng tatlong araw.

Ang selebrasyon sa Rizal Park ay inumpisahan sa pananalangin.

Kuha ni Richard Garcia

Bahagi rin ng selebrasyon ang pagkakaroon ng salu-salo.

Naging pambihirang pagkakataon ang nangyari ngayong taon dahil tumagal ang fasting sa loob ng 30 araw, dahil kadalasang 29 araw lamang ang itinatagal nito sa mga nagdaang Ramadan.

Inanunsyo ni Moro Grand Mufti Abu Huraira Udasan sa mga Pilipinong Muslim noong Lunes na ngayong araw ang kanilang magiging pagdiriwang ng Eid’l Fitr dahil hindi na nakita ng Southeast Asian network of astronomical observers ang crescent moon noong gabing iyon.

Pormal ring nai-deklara ni Pangulong Duterte ang pagiging non-working holiday ng araw na ito para mas maipagdiwang ng mga Muslim ang mahalagang araw na ito para sa kanilang relihiyon.

Nag-anunsyo na rin ang Office of the Press Attache ng U.S. Embassy na sarado sila sa publiko ngayong araw ng Miyerkules para rin sa Eid’l Fitr.

Read more...