MANILA, Philippines — Mas pabor si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na bumili muna ng karagdagang mga barko sa halip na submarino.
Naniniwala si Pimentel na mas higit na kailangan sa ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ng mga barko para sa pagbabantay ng teritoryo ng bansa.
Aniya higit na mas mura din ang mga bagong barko kumpara sa submarino.
BASAHIN: Pagbili ng submarine, bahagi ng plano ni Pangulong Marcos
BASAHIN: Pangulong Marcos nagpapagawa ng 40 barko para sa pagpatrolya kabilang na sa West Philippine Sea
Sinabi ito ni Pimentel nitong Martes sa diskusyon ukol sa resolusyon na maimbestigahan sa Senado ang sinasabing “gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at China ukol naman sa kondisyon ng isinadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sumang-ayon naman si Senate President Juan Miguel Zubiri sa posisyon ni Pimentel.
Ibinahagi pa niya na sa pagtalakay sa 2024 national budget, nadagdagan ng P2.5 bilyon ang pondo ng PCG at dalawang karagdagang barko ang nabili.