Unang bilhin mga barko para sa PCG bago submarino – Pimentel

By Jan Escosio May 07, 2024 - 03:25 PM

PHOTO: BRP Teresa Magbanua STORY: Unang bilhin mga barko para sa PCG bago submarino – Pimentel
Ang BRP Teresa Magbanua, ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard na naka-deploy sa Kalayaan Island Group. (Photo from the ship’s Facebook page)

MANILA, Philippines — Mas pabor si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na bumili muna ng karagdagang mga barko sa halip na submarino.

Naniniwala si Pimentel na mas higit na kailangan sa ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) ng mga barko para sa pagbabantay ng teritoryo ng bansa.

Aniya higit na mas mura din ang mga bagong barko kumpara sa submarino.

PHOTO: Sen. Aquilino Pimentel III
Sen. Aquilino Pimentel III (File photo from the Senate Public Relations and Information Bureau)

BASAHIN: Pagbili ng submarine, bahagi ng plano ni Pangulong Marcos

BASAHIN: Pangulong Marcos nagpapagawa ng 40 barko para sa pagpatrolya kabilang na sa West Philippine Sea

Sinabi ito ni Pimentel nitong Martes sa diskusyon ukol sa resolusyon na maimbestigahan sa Senado ang sinasabing “gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at China ukol naman sa kondisyon ng isinadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Sumang-ayon naman si Senate President Juan Miguel Zubiri sa posisyon ni Pimentel.

Ibinahagi pa niya na sa pagtalakay sa 2024 national budget, nadagdagan ng P2.5 bilyon ang pondo ng PCG at dalawang karagdagang barko ang nabili.

TAGS: Aquilino Pimentel III, philippine coast guard, Aquilino Pimentel III, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.