Cayetano BCDA bill: Nais mas maayos mga dating base militar
MANILA, Philippines — Naghain ng panukalang batas si Sen. Alan Peter Cayetano para mapalakas ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA).
Sinabi ni Cayetano na layon ng kanyang Senate Bill No. 2647 na mas makinabangan ang mga dating base militar sa bansa.
Dagdag pa niya, gusto niyang mabago ang ilan sa nilalaman ng Bases Conversion and Development Act of 1992 at bigyang-pansin ang ilang limitasyon nito.
BASAHIN: 36 porsyento ng koleksyon ng BCDA, ilalaan sa AFP modernization
BASAHIN: Konstruksyon ng Clark Multi-Specialty Center sisimulan na
Kabilang sa mga nais ni Cayetano ay palawigin ang operasyon ng korporasyon ng BCDA ng 50 taon, itaas sa P200 bilyon ang authorized capital stock nito at ideklarang alienable at disposable para maipagbili ang ilang lupain na sakop ng BCDA.
Paliwanag ni Cayetano, ang mga lupain ay maaring ideklarang “for residential and mixed use,” bukod sa maaring gamitin para sa “industrial and institutional purposes.”
At aniya ang napagbentahan ng lupa ay maaring ibigay sa AFP Pension Fund.
Binanggit niya ang mga naunang nagawa sa mga lupa ng BCDA, tulad ng Bonifacio Global City sa Taguig City, Clark International Airport, at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEx).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.