P49.8B ang pondo ng gobyerno para sa pensyon ng mga senior
MANILA, Philippines — Naglabas na ang Department of Budget and Management (DBM) ng P49.807 na bilyon na pondo para sa pensyon ng mga mahihirap na senior citizens ngayon taon.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang halaga ay halos doble ng naipalabas sa kabuuan nitong mga nakalipas na taon na P25 bilyon.
Pagtalima ito sa kautusan ni Pangulong Marcos Jr. na agad ipamahagi ang naturang pensyon.
BASAHIN: Guidelines para sa P500 discount sa seniors, PWDs aasikasuhin ng DTI
BASAHIN: Romualdez nagbabala na ilalantad mga establismento lumalabag sa senior discount policy
Aniya ang pagtaas ay dahil sa pagdoble ng buwanang pensiyon ng mga mahihirap na senior citizens mula sa P500.
Dagdag pa niya, tinatayang aabot sa higit apat na milyon ang makakatangap ng social pension na P1,000 tuwing buwan.
Umaasa din daw ang administrasyon ni Marcos na makakatulong ang mas mataas na pensyon sa mga kapus-palad na nakakatandang populasyon ng bansa, lalo na sa pagtustos ng kanilang mga gamot at pagkain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.