Pagpapaburá ng tatô ng mga pulis ipinagpaliban ng hepe ng PNP

By Jan Escosio May 03, 2024 - 01:58 PM

PHOTO: Composite image of PNP headquarters with PNP logo superimposed STORY: Pagpapaburá ng mga tatô ng pulis ipinagpaliban ng hepe ng PNP
Composite image from INQUIRER.net file photos

MANILA, Philippines — Hindi na muna kailangan ipangtanggal na ng mga pulis ang kanilang mga tató, ayon sa memorandum na may petsang Abril 30, 2024, na pinirmahan ni Maj. Gen. Sidney Hernia, hepe ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).

Ayon sa tagapagsalit ng Philippine National Police (PNP) na si Col. Jean Fajardo, inatasan ni PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, si Hernia na maglabas ng m0ratorium sa pagpapatupad ng Memorandum Circular 2024-023, na nag-aatas sa mga pulis na ipabura ang “visible tattoos” — yung mga tatô na nakikita kahit sila ay naka-uniporme.

Sinabi ni Fajardo na sinuspindi ang pagpapaalis ng mga pulis sa kanilang mga tattoo dahil na rin sa isyung pangkalusugan at ang pangangailagan na mabigyang linaw ang pagdidisiplinang gagawin sa mga pulis na hindi susunod sa kautusan.

Una nang inanunsiyo ng PNP na kailangan ideklara ng mga pulis ang kanilang mga tatô sa katawan at kailangan na ipabura ang mga nakikita kahit sila ay naka-uniporme.

May mga disenyo din ng tatô na ipinagbawal ang pamunuan ng PNP.

TAGS: Philippine National Police, tattooed cops, Philippine National Police, tattooed cops

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.