4 na oras na pagtuturo ng mga guro ipinanukala ni Gatchalian

By Jan Escosio May 02, 2024 - 10:28 AM

PHOTO: Teacher with student at blackboard STORY: 4 na oras na pagtuturo ng mga guro ipinanukala ni Gatchalian
File photo by GRIG C. MONTEGRANDE / Philippine Daily Inquirer

MANILA, Philippines — Nais mabawasan ni Sen. Sherwin Gatchalian ang oras ng pagtuturo ng mga guro sa mga pampubikong paaralan.

Sa inihain niyang panukala para baguhin ang Magna Carta for Public School Teachers, sinabi ni Gatchalian na mula sa kasalukuyang anim na oras dapat gawing apat na oras na lamang ang pagtuturo ng mga guro.

Paliwanag ni Gatchalian na maaring humigit sa apat na oras ang pagtuturo ngunit hindi maaaring lumampas ng walong oras. At dapat din daw sila bigyan ng “overload pay” na 25% ng suweldo nila.

Sa kasalukuyan, walong oras ang dapat na ipinagta-trabaho ng mga guro at ang dalawang oras ay nakalaan para sa paghahanda ng lesson plan at pagwawasto ng student exercises.

Nakasaad din sa Senate Bill No. 2493 na bawal nang bigyan ng nonteaching duties.

Sa pag-aaral ng Second Congressional Commission on Education (Edcom 2), 50 trabahong administratibo ang ginagawa ng mga guro at ang mga ito ay walang kaugnayan sa pagtuturo.

Ipinanukala din ni Gatchalian na pagkalooban ng limang araw na calamity leave with pay ang mga guro.

TAGS: public school teachers, teaching hours, public school teachers, teaching hours

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.