Water impounding areas hinihiling na unahin ng DPWH

PHOTO: Robert Gerard Nazal Jr.
Magsasaka Party-list Rep. Robert Gerard Nazal Jr. (File photo from his office)

MANILA, Philippines — Nananawagan si Magsasaka Party-list Rep. Robert Gerard Nazal Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na gawin nitong prayoridad ang pagpapatayo ng water impounding areas na konektado sa flood control facilities.

Ayon kay Nazal, maaaring magamit ang maiimbak na tubig sa irigasyon at maari din mapagkuhanan ng tubig tuwing tag-init.

Kailangan na aniya na maisagawa ito bago pa ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan at ng nagbabadyang La Niña.

“Napakahalga ng water impounding areas para sa irigasyon at matiyak na may sapat na patubig para sa mga magsasaka tuwing may tag-tuyot,” ani Nazal.

Dagdag pa nito, kailangan ang koordinasyon ng mga kinauukulang ahensiya, partikular na ang  National Irrigation Administration (NIA), para sa pagsasagawa ng naturang proyekto.

Pinuna lang din ni Nazal ang kapos na pondo para sa sistemang pang-irigasyon, na napakalahalaga naman sa pagpapalakas ng produksyon ng mga produktong pang-agrikultura.

“Ang daming flood control projects sa yearly budget ng gobyerno. Kahit 10% lamang nito ay mapunta sa irrigation, malaking tulak na ito para sa ating mga magsasaka,” diin ni Nazal.

Read more...