Manggagawa pinuri ni Marcos dahil sa ambag sa ekonomiya

By Jan Escosio May 01, 2024 - 03:07 PM

Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr., na patuloy na itinataguyod ng kanyang administrasyon ang kapakanan at mga karapatan ng mga manggagawa.

MANILA, Philippines — Ngayon Araw ng Paggawa, binigyan pagpapahalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga sakripisyo ng mga manggagawang Filipino.

Kasabay nito, nangako ang pangulo na patuloy ang administrasyon niya sa pagsuporta at pagsulong ang kapakanan ng mga manggagawa para maiangat ang kanilang pamumuhay.

“Sa natatanging araw na ito, kinikilala natin ang mga mahalagang naiambag ng ating masisipag na mga lalaki at babae na may tapang at katatagan na siyang nagtulak sa pag-unlad ng buong bayan. Nagbibigay pugay rin tayo sa lahat ng. mga tayo nagtaas ng tinig para makamtan ang katarungang panlipunan, para maipaglaban ang karapatan ng mga manggagawa, at matiyak na ang kanila pasisikap may mabigyan na sapat na halaga at kabayaran,” sabi ni Marcos sa Ingles.

Dagdag pa niya, patuloy din na itataguyod ng kanyang administrasyon ang dignidad at pantay na pag-trato sa hanay ng mga manggagawa alinsunod sa kanyang “Bagong Pilipinas” campaign.

Pangungunahan ngayon araw ni Marcos ang Labor Day celebrations sa Malakanyang sa pamamagitan ng pag-anunsiyo sa itatayong Workers’ Rehabilitation Center Complex ng  Department of Labor and Employment (DOLE).

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Labor Day, Ferdinand Marcos Jr., Labor Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.