Speaker Martin Romualdez “caretaker” sa 4th district ng Cavite

By Jan Escosio April 30, 2024 - 09:57 PM

Si Speaker Martin Romualdez ang “caretaker” ng Cavite 4th district, (INQUIRER PHOTO)

Dahil sa hindi inaasahang pagkamatay ni Cavite Representative Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., naitalagang “caretaker” ng naiwan nitong distrito si House Speaker Martin Romualdez.

Nangyari ito sa plenary session sa Kamara ngayon gabi kasunod na rin ng hiling ni Deputy Majority Leader Cagayan 1st district Rep. Ramon Nolasco Jr.

Inaprubahan ni Antipolo City 1st district Rep. Roberto Puno ang mosyon  nang walang tumutol sa mga kapwa kongresista.

Si Puno ang nagsisilbing “presiding officer” ng sesyon nang gawin ni Nolasco Jr., ang mosyon.

Sumakabilang-buhay noong nakaraang Sabado sa California, US si Barzaga sa edad na 74.

Noong nakaraang Oktubre sumailalim siya sa operasyon sa puso sa Amerika.

Samantala,  anim na legislative districts na ang kinakatawan ni Romualdez, ang mga unang distrito sa Leyte at Palawan; ang ikatlong distrito ng Negros Oriental; ang 3rd district ng Palawan at ang ika-anim na distrito ng Batangas.

 

TAGS: cavite, Cong Martin Romualdez, Dasmariñas, cavite, Cong Martin Romualdez, Dasmariñas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.