Marcos tiwala sa kakayahan ng mga Pinoy laban sa mga hamon
Lubos ang kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na malalagpasan ng mga Filipino ang mga kinahaharap ng bansa sa kasalukuyan.
Sa kanyang mensahe sa ika-503 anibersaryo ng Battle of Mactan sa Lapu-Lapu City sa Cebu, magtatagumpay ang mga Filipino dahil sa pagmamahal sa bayan.
Aniya dahil sa pagiging makabayan ng mga Filipino, naipapakita hindi lamang ang pagmamahal sa bansa kundi maging ang pagmamalasakit sa isat-isa.
Dagdag pa niya, sa ganitong paraan ay mapoprotektahan ang mga karapatan at sobereniya ng bansa.
“Ngunit sa panahong ito, may mga makabagong pagsubok tayong hinaharap na ang solusyon ay hindi dahas o armas. Nangangailangan ito ng ating katapangan, ng ating pagkilos, at higit sa lahat ang ating pagkakaisa,” sabi ng Punong Ehekutibo.
Pag-amin na lamang din niya na hindi madali ang pagharap sa kahirapan at kagutuman kayat pagtitiyak na desidido ang kanyang administrasyon na wakasan ang mga problemang ito.
Binanggit niya ang pamamahagi ng ibat-ibang ayuda sa mga nangangailangan at ang panghihikayat sa mga banyagang negosyante na mamuhunan sa Pilipinas para makalikha ng mga oportunidad at trabaho para sa mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.