Maguindanaons hinikayat ni PBBM na makilahok sa 2025 BARMM elections
Hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga mamamayan ng Maguindanao del Norte na makilahok sa idaraos na unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Mayo 2025.
Sa kanyang mensahe sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng paglagda sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB), tiniyak ng Punong Ehekutibo na magiging tapat, payapa at kapani-paniwala ang idaraos na eleksyon.
“As your President, I assure that you will have an honest, orderly and credible conduct of the electoral process. Let this also serve as a warning to those who may plan to threaten and derail this upcoming election, huwag n’yo nang isipin ‘yan dahil ang kakalabinin na ninyo ay ang pamahalaan,” aniya.
“And I also take this opportunity to remind you to exercise your right to suffrage as you chart your political future in the forthcoming first BARMM elections in May 2025,” dagdag pa niya.
Nagbilin din si Marcos sa mamamayan na pahalagahan ang kanilang mga boto.
“I urge you, safeguard those rights, empower yourselves, take part in our shared task of nation-building. Hindi lamang ako umaasa na malinis at payapa ang halalang ito, pero higit sa lahat, ang bawat kandidato ay tangan ang prinsipyo ng Bangsamoro – ang Bangsamoro Muna Bago Sarili,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.