Pulis itinuro sa pagpatay sa Leyte barangay chairman

Isinampa na sa Leye Provincial Prosecutors Office ang reklamo laban sa isang pulis na isinasangkot sa pagpatay sa isang barangay chairman sa bayan ng San Isidro.

Kinilala ang suspek na pulis na si Manuelito Sidaya, dating nakatalaga sa naturang bayan.

Base sa sinumpaang-salaysay ng barangay tanod na itinago sa alias na John, kabilang si Sidaya sa mga pumatay kay Elizalde Tabon, punong barangay ng Barangay Daja Diot noong nakaraang Pebrero 24.

Sinabi pa ng testigo na kasama niya ang biktima sa barangay hall nang dumating ang apat na salarin sakay ng dalawang motorsiklo.

Aniya pagkababa ay agad binaril ng apat sina Rusty Andoy Salazar at Alex Bacor  na nasa pintuan.

Kasunod nito ay pinasok ng apat ang kuwarto at pinagbabaril sina Tabon at Kagawad Paolo Mendero.

Sinabi ng testigo na nakilala niya ang suspek na pulis dahil madalas niya itong makita sa mga checkpoint noong kasagsagan ng pandemiya.

Nabuhay lang aniya siya dahil nagawa niyang makatakas sa pamamagitan ng pagtalon sa bakod.

Ayon dito na kilala niya si Alias Opaw dahil madalas niya itong makita sa Checkpoint sa San Isidro noong panahon ng pandemya.

Nabatid na ang suspek ay iniuugnay din sa pagpatay kay dating Municipal Administrator Levin Bambam Mabini noong 2019 election period.

Read more...