4 Ph LGUs pasok sa Open Government Partnership

By Jan Escosio April 25, 2024 - 06:52 PM

Anim ng lokal na pamahalaan sa bansa ang kabilang sa Open Government Partnership, na binubuo ng walong bansa. (FILE PHOTO)

Ikinatuwa ni Budget and Management Secretary Amenah  Pangandaman ang apat pang lokal na pamahalaan na nadagdag sa prestisyosong Open Government Partnership (OGP).

Aniya malaking karangalan sa Pilipinas ang pagkakasama na sa OGP ng Baguio City, Quezon City, Tagbilaran City sa Bohol, at ang bayan ng Larena sa Siquijor.

Ang OGP ay pandaigdigang inisyatibo sa paglaban sa korapsyon at nagsusulong ng maayos at tamang pamamahala.

Kabilang ang Pilipinas sa walong bansa na nagsimula nito, bukod sa US, United Kingdom, Brazil, Indonesia, Mexico, Norway at South Africa.

Nagsilbing inspirasyon ng mga lokal na pamahalaan ang OGPinas campaign na pinangungunahan ni Pangandaman, ang chairperson ng OGP – Philippines.

Ang lalawigan ng South Cotabato ang unang lugar sa Pilipinas na nakasama sa OGP at ito ay noong 2018 at sumunod ang Borongan, Eastern Samar na tinanggap naman noong 2020.

Nagsisilbing daan ang OGP ng civil society para makibahagi sa local planning and development, na nagpapalakas naman sa pagbibigay serbisyo ng mga lokal na pamahalaan.

“We extend a warm welcome to Tagbilaran, Larena, Quezon City and Baguio. This marks a significant stride toward transparent and accountable governance. I eagerly anticipate our collaborative efforts to promote openness, transparency, and accountability,” sabi pa ni Pangandaman.

Napagtibay na ang OGP sa bansa sa pamamagitan ng Executive Order No. 31, s. 2023,  ni Pangulong. Marcos Jr.

 

 

TAGS: anti-corruption, good governance, anti-corruption, good governance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.