LTFRB kinalampag ng Digital Pinoys sa pagdedma sa mga reklamo vs Move It

Pinuna ng isang digital advocacy group  ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB) dahil sa tila pagsasawakang-bahala sa mga reklamo laban sa Move It.

Sinabi ni Ronald Gustilo, ang national campaigner ng Digital Pinoys,  na nalalagay sa panganib ang publiko dahil sa hindi pag-aksiyon sa mga aksidente na kinasasangkutan ng motorcycle taxi company.

“LTFRB is putting the public’s safety in jeopardy by tolerating Move It’s accidents. Our complaint, which was sent last April 1, 2024, contained photos and videos of accidents involving Move It riders. Up to now, not even an acknowledgement of the complaint was made by the LTFRB,” ayon kay Gustilo.

Binanggit nito ang isang viral video ng aksidente na kinasasangkutan ng Move It rider na nagresulta sa pagkakasugat ng pasahero.

Dagdag pa niya, sa Cebu City naman ay namatay ang rider at pasahero at kamakailan lang ang tangkang pagtakas ng isang rider sa EDSA sa Cubao, Quezon City matapos sitahin sa pagdaan sa bus lane.

“Is the LTFRB waiting for more passengers to be injured or killed before they act on it? Or are they simply giving favor to Move It? Because delaying the investigation on these accidents does not serve the interest of commuters. It seems that the LTFRB is inclined to ignore the safety of the passengers rather than to act against this Singaporean-owned firm. This is unacceptable,” pahayag ng grupo.

Sa pagdinig sa Kamara, nabigyan ng pagkakataon si Gustilo na ibahagi ang mga aksidente at inatasan ni Committee on Transportation chairperson, Rep. Romeo Acop si LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na aksiyonan ang mga aksidente.

Pinuna na rin ng grupo ang tila kakulangan sa tamang pagsasanay ng Move It riders.

 

Read more...