May posibilidad na magkaroon ng rotating brownout sa mga lugar kung saan manipis ang suplay ng kuryente, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian.
Ito ay kung hindi magagawaan ng paraan ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, partikular na ng Department of Energy (DOE), ang pagbagsak at pagbabawas ng operasyon ng maraming planta ng kuryente sa bansa.
Partikular niyang nabanggit ang pagsasagawa ng cloud seeding para umulan at magkaroon ng tubig sa mga hydro power plants.
“Mas mainit mas mas tataas ang demand, mas mainit mas mataas na suplay ang kailangan kasi nga wala tayong hydro so kung wala tayong intervention hindi malayo na magkakaroon tayo ng rotating brownouts,” sabi ng vice chairman ng Senate Committee on Energy.
Posible aniya na maapektuhan ng rotatin brownouts sa Metro Manila, na tinawag niyang “power demand center” ng bansa.