Chiz sa DOE, ERC: Tutukan ang power generation companies

Malinaw na paliwanag ng power generation companies ang dapat hinihingi ng DOE at ERC, ayon kay Sen. Francis Escudero.

Dahil sa pagbagsak ng mga planta ng kuryente at pagbabawas ng kapasidad, sinabi ni Senator Francis Escudero na dapat ay tinututukan ng husto ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang power generation companies.

Ayon kay Escudero makatuwiran lamang para sa mga konsyumer na papanagutin ang mga kompaniya ng kuryente.

Dapat din aniya ay pinipilit ang mga kompaniya na magbigay ng mas malinaw na paliwanag at pangangatuwiran sa biglang pagbagsak ng mg planta.

“The DOE and ERC should rein in the gencos to stay true to their scheduled outages and should be required to explain and justify the reasons behind those forced outages,” dagdag pa ng senador.

Nararapat aniya na papanagutin ang mga kompaniya kung malalaman na ang tunay na dahilan ng mga pagbagsak ay kapabayaan o kapos na kaalaman.

Hindi aniya makakasapat ang stand-by power  kung magpapatuloy ang “forced outages” ng walang sapat at malinaw na kadahilanan.

Read more...