C-5 Extension – Quirino fly-over bukas na sa mga motorista

By Jan Escosio April 25, 2024 - 05:35 AM

Malaking tulong sa mga motorista sa Las Piñas City at Parañaque City ang binuksang C5 Extension – Quirino flyover.

Pinangunahan ng mag-inang Senators Cynthia at Mark Villar ang pagbubukas ng C-5 Extension- Quirino flyover sa Las Piñas.

Nakasama ng mga Villar ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inaasahan na mapapagaan ng bagong imprastraktura ang trapiko sa Quirino dahil ito ay nag-uugnay na sa C-5 Extension sa Cavitex at vice versa.

Malaking ginhawa din ito para sa mga motorista na patungo at nagmula sa Ninoy Aquino International Airport at Parañaque City, partikular na sa Sucat Road.

Nabatid na Setyembre 2020 nang masimulan ang proyekto sa ilalim ng pangangasiwa ng  nakakabatang Villar, na noon ay kalihim pa ng DPWH at ito ay nagkakahalaga ng P300.39 milyon.

 

 

TAGS: C5 Extension, Las Piñas City, C5 Extension, Las Piñas City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.