Pagpapanagutin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Move It motorcycle taxi app dahil sa isang rider na nagtangkang takasan ang ilang enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kamakalawa.
Sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III ang kompaniya ang mananagot sa maling asal ng kanilang rider.
“Tatawagan naming ang Move It at pagpapaliwanagin naming sila kung bakit may aksiyon na nangyaring ganun, pananagutan po nila yan dahil driver nila yan, driver yan ng Move It” ani Guadiz.
Nilinaw din ng opisyal na hindi sila kumbinsido sa katuwiran ng rider na sila ay maaring pumasok sa bus lane kayat hindi niya agad ibinigay ang kanyang lisensiya.
Nagpahiwatig si Guadiz na maaring patawan ng “disciplinary actions” ang prangkisa ng Move It dahil sa insidente.
Aniya kung magiging madalas ang paglabag ng Move It riders ay maaring mauwi sa suspensyon ng ride hailing app.
May pananagutan din aniya ang Move It dahil lumalabas na hindi nila napipili ng maayos ang kanilang rider at pagpapakita ang insidente ng kakulangan sa training at tamang-asal sa pagmamaneho.
Naging viral ang video na kuha sa CCTV camera ng MMDA dahil tinangkang tumakas ng rider, bukod pa sa tangka din pagsagsa sa isang enforcer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.