Dating Sen. Rene Saguisag namayapa sa edad na 84

Sumakabilang-buhay na si dating Senator Rene Saguisag.

“It is with profound sadness that we announce the passing of our dear Papa and Lolo,” ang Facebook post Rebo Saguisag, anak ng kilalang human-rights lawyer.

“As we mourn his loss, we take solace in the enduring impact of his legacy,” dagdag pa ng nakakabatang Saguisag.

Nagsilbing spokesman ng yumaong Pangulong Cory Aquino si Saguisag mula sa pagiging human rights lawyer simula 1972 hanggang 1986.

Naging senador noong 1987 hanggang 1992 bilang kasapi ng Liberal Party at pinamunuan ang Committee on Ethics.

 

Read more...