Audio ng “attack order” ni PBBM, “deepfake” – Palasyo

Ang pahayag ng Presidential Communications Office (PCO).

Binalaaan ng Malakayang ang publiko kaugnay sa kumakalat na video sa video streaming platform kung saan mapapanood ang mistulang pag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa militar laban sa isang bansa.

Sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), “deepfake” o “manipulated” ang video at nagawa ito sa pamamagitan ng Artificial Intelligence (AI).

“The audio deepfake attempts to make it appear as if the President has directed our Armed Forces of the Philippines (AFP) to act against a particular foreign country,” ang pahayag ng PCO at idinagdag pa; “No such directive exists nor has been made. Deepfakes are an advanced form of digital content manipulation through the use of generative Artificial Intelligence (AI).”

Ayon pa sa tanggapan, may aktibong kampaniya sila laban sa fake news at pagpapakalat ng mga maling impormasyon.

Kasabay nito ang panawagan sa publiko na maging responsableng social media users.

“Let us all be more vigilant against such manipulated digital content that are deployed by actors to propagate malicious content online and advance a malign influence agenda,” dagdag pa ng PCO.

 

Read more...