Sen, Lito Lapid nagbigay ng P180-M para sa TSU Science Lab

Kapos sa edukasyon kayat l;ubos ang pagtulong sa mga proyektong pang-edukasyon ni Sen. Lito Lapid. (OSLL PHOTO)

Malambot ang puso ni Senator Lito Lapid sa mga kabataang mag-aaral kayat naglaan ito ng P1.8 milyon para sa pagpapatayo ng Tarlac State University (TSU) College of Science Laboratory sa Tarlac City.

Hindi nakapagtapos ng kolehiyo si Lapid kayat lubos ang kanyang pagtulong sa mga proyektong pang-edukasyon. Pinangunahan din ni Lapid ang groundbreaking ceremony para sa anim na palapag na simulation building. Nagbilin na lamang ito sa mga mag-aaral ng unibersidad na samantalahin ang oportunidad kapag may libreng edukasyon. “Alam nyo po, napakahalaga ng edukasyon sa akin, magkukwento lang po ako ng konti dahil ang pang-aapi nila kay Lito Lapid ay dahil sa edukasyon, dahil hindi po ako nakatapos. Kung meron lang pong libreng kolehiyo, gaya ng TSU, DAVSU sa Apalit at Pampanga State University sa Magalang, lalong-lalo na kung may TESDA noong araw, siguro nakapag-aral po ako,” ang emosyonal na pagbabahagi ng senador. Dagdag pa niya: “Wala tayong magagawa, ipinanganak tayong mahirap, isang labandera lang ang nanay ko at namatay ang tatay ko sa edad ko na dalawang taon pa lamang, kaya hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo. Kaya sabi ko nga sa mga estudyante pag may nakakausap ako pasalamatan ninyo ang inyong mga magulang dahil pinag-aaral kayo.” Sabi pa niya hindi dapat kainggitan na siya ay sikat na artista at naging pulitiko. Aniya siya ang naiinggit sa mga estudyante at nakapagtapos ng kolehiyo. Nabatid naman na may donasyon din sa naturang gagawing gusali si Sen. Sherwin Gatchalian.

Read more...