Paspas na tulong sa mga biktima ng kalamidad inihirit ni Sen. Alan Cayetano
Kinilala ni Senator Alan Peter Cayetano ang matinding pangangailangan na agad mabigyang tulong ang mga biktima ng anumang uri ng kalamidad.
Aniya nararapat na makatanggap ng tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima ng pagbaha, bagyo, sunog at lindol.
Paliwanag niya ang isinusulong niyang Senate Bill 302 o ang 4Ps for Disaster Victim Act ang magpapatibay sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Noon pang Hulyo ng nakaraang taon niya inihain ang panukalang batas at sa susunod na Martes ay matatalakay na ito ng Committe on Justice, Social Welfare and Development.
Dagdag pa niya ang mga biktima ng kalamidad o sakuna naghirap ay awtomatikong ipapasok ng 4Ps.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.