BIFF leader, 11 tauhan patay sa sagupaan sa Maguindanao del Sur

April 23, 2024 - 12:33 PM

Ang mga nasamsam na mga armas at gamit ng mga napatay na terorista. (ARMY 6TH INFANTRY “KAMPILAN” DIVISION)

Patay ang isang pinuno ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at 11 sa kanyang mga tauhan sa sagupaan sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Mujiden Animbang alias Karialan.

Ayon kay Army Brig. Gen. Jose Cagara, commander ng 1st Brigade Combat Team, si Karialan ang itinuturong chairman ng BIFF-Karialan faction.

Dagdag pa ni Cagara nangyari ang engkuwentro sa Barangay Kitango.

Nakumpiska naman ang 12 ibat-ibang uri ng armas, kabilang ang  limang M16, tatlong M14, dalawang M653, isang M4 at isang mataas na kalibre ng baril.

Nasa proseso na para sa makilala ang 11 pang namatay na mga terorista.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.