Pagkabahala sa Chinese students sa Cagayan, may basehan – Estrada

Nagpahayag ng kahandaan si Sen. Jinggoy Estrada na pangunahan ang pag-iimbestiga sa pagdagsa ng Chinese citizens sa Cagayan. (FILE PHOTO)

Mali na ituring na diskriminasyon o “racial profiling” ang mga pangamba at pag-aalala ukol sa pagdami ng Chinese citizens sa Cagayan.

Ito ang sinabi ni Sen. Jinggoy Estrada at aniya makatuwiran lamang na maimbestigahan maging ang sinasabing “diploma-for-sale modus.”

Sang-ayon si Estrada na lehitimo ang mg pangamba lalo na kung ito ay may kaugnayan na sa pambansang seguridad.

Kailangan aniya masagot kung bakit sa isang  partikular na lugar lamang nagkaroon ng interes na pumasok ang mga Chinese students gayung napakaraming unibersidad at kolehiyo sa Pilipinas.

Banggit niya na may dalawang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa naturang lalawigan.

Nakakabahala din, ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on National Defense and Security, ang ulat ng pagbibigay ng retiree’s visa at government IDs sa mga Chinese nationals.

 

Read more...