Retired CA Justice Saddang bagong chairman ng PCGG

By Jan Escosio April 22, 2024 - 06:41 PM

Nagtalaga si Pangulong Marcos Jr., ng mga bagong opisyal sa 13 ahensiya, (INQUIRER PHOTO)

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si retired Court of Appeals (CA) Justice Melchor Sadang bilang bagong chairman ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO) naanunsiyo ang pagtatalaga kay Saddang.

Ang PCGG ang anti-corruption office na nasa ilalim ng pangangasiwa ng  Department of Justice at pangunahing mandato nito na imbestigahan ang mga kaso ng korapsyon at katiwalian ng mga opisyal ng gobyerno.

Nagsilbing hukom sa isang regional trial court sa Cavite City si Saddang mula 2000 hanggang 2011, bago naitalagang mahistrado sa CA hanggang 2011.

Naitalaga rin bilang undersecretaries sa Department of Finance (DOF) Charlito Martin Mendoza at Domini Velasquez, undersecretary din ngayon sa Department of Agriculture (DA) si Asis Perez at sa Department of Transportation naman magsisilbing undersecretary si Jesus Nathanial Martin Gonzales.

TAGS: PCGG, Undersecretaries, PCGG, Undersecretaries

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.