DepEd sa mga teacher: ‘Wag nang bumili ng bagong damit!

Collared shirts na anumang kulay ay maaring gamitin – DepEd. (FILE PHOTO)

Pinaalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga teaching at non-teaching personnel na hindi na kailangan na bumili ng mga bagong polo shirts bilang alternatibo damit dahil sa mainit na panahon.

Ayon pa sa kagawaran kahit anong kulay ng collared shirts ay maaring isuot sa pagtuturo o sa paaralan.

“The memo to the field is that as an alternate uniform, our teachers can wear the DepEd collared shirts that they already have,” sabi ni DepEd spokesperson Michael Poa.

Dagdag pa ni Poa maging ang mga collared shirts na ginamit sa mga opisyal na okasyon ng kagawaran ay maari din gamitin.

“Kaya hindi na po kailangan bumili,” aniya.

Sinabi pa ni Education Asec. Francis Bringas na maging ang collared shirts na ginamit sa local events ay maari din isuot. Unang naglabas ng memorandum circular ang DepEd ukol sa “alternate uniforms” dahi sa matinding init ng panahon.

 

Read more...