Sen. Bong Revilla Jr., posibleng lumabas na ng ospital matapos operahan sa paa

Si Sen. Bong Revilla Jr., matapos ang operasyon kasama si Rep. Lani Mercado-Revilla at kanilang mga anak. (RAMON BONG REVILLA JR FB PHOTO)

Nasa ilalim ng pain management si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., matapos maoperahan sa Achilles tendon injury kamakalawa.

Sa panayam sa kanyang maybahay na si Bacoor City Rep. Lani Mercado-Revilla umaasa sila na bukas ay makakalabas na sila ng ospital at sa bahay na lamang magpapagaling ang kanyang mister.

Aniya maaring abutin ng hanggang limang buwan bago tuluyang gumaling ang senador at inirekomenda ng doktor na hanggang anim na linggo itong work-from-home.

Tiniyak naman ni Mercado-Revilla na sa pagsisimula muli ng sesyon ng Kongreso sa Abril 29 ay papasok na rin ang kanyang mister.

Pagbabahagi pa nito na noon pang nakaraang taon nang madiskubre ang bone spur sa paa ng senador at sa shooting ng comeback movie nito na Alyas Pogi ay lumala na ang kondisyon kayat isinugod ito sa ospital.

Nakakakilos naman ang senador ngunit kailangan may alalay o gagamit ng crutches o sasakay sa wheelchair.

 

Read more...